Posted by: azanes | July 10, 2013

Paano ba mag move on?


Kung iisipin napakadali lang gawin ang bagay na ito. Pero marami sa atin ang nahihirapan mag move on kaagad lalo na kung ang taong gusto mo ng kalimutan ay minahal mo talaga ng todo. Minsan tinanong ko ang pinsan ko kung paano ba magmove on. Ang sagot niya sakin basta kalimutan mo lang daw. Sunugin daw lahat ng bagay na magpapaalala sa taong yon at idelete daw sa celphone facebook twitter at iba pa. Gawing busy ang sarili sa trabaho at kung anong bagay na makakapag palibang sayo, yong tipong wala kang iniintindi sa paligid mo. Pero ligo ligo din daw paminsan minsan.

Isang kaibigan ko pa ang sinubukan kong tanungin ng pambansang katanungang ito, na paano nga ba mag move on at ang sagot nya naman sakin ay ganito,.. “Just go to the flow of life, kahit naman nasaktan ka inde naman nangangahulugan na its end of the world na. Isipin mo na lang na maswerte ka pa rin kasi habang maaga nalaman mo na di siya karapat dapat sa pagmamahal mo. Ang pag momove on kasi di minamadali yan. Maghintay lang at kusang maghihilom ang sugatan mong puso.

And time will come na magmamahal ka ulit at mamahalin ka rin. At pag dumating na ang araw na tumibok na ulit ang puso mo, NAKAMOVE ON ka na.”

Marahil tama nga ang kaibigan ko. masasabi mo lang na nakamove on ka na kapag nagmamahal ka nang muli.

Kaya masasabi ko ngayon na nakapag MOVE ON na ako…

Masaya ako at natagpuan ko na ang babaeng PAKAKASALAN KO at magiging ina ng Junior ko.

==========================end=====================================

Hon, mahal na mahal kita. At maraming salamat sa pag dating sa buhay ko.  :-*


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: