Posted by: azanes | July 9, 2013

Right Love at the wrong time?


Hello mga dabarkads… matagal din na panahon bago ako nakapag post ng bagong article sa blog na ito. Medyo naging busy lang ang inyong lingkod at sangkatutak na problema ang dumaan sa aking buhay.

Akala ko noon perpekto na ang buhay ko… May minamahal ako, may anak at may maayos na trabaho. Akala ko noon lahat ng araw pasko. Akala ko noon di na matatapos ang masasayang sandali sa buhay ko. Pero ang lahat ng akala ko ay isa palang pagkakamali. Kasi sa umpisa pa lang pala ay puno ng kasinungalingan.

Marahil totoo nga na minahal ako ng nanay ng naging anak ko pero ang pagmamahal na yon ay di maaari sapagkat ang totoo may tunay ng nagmamay ari sa kanya. Masakit man noong una pero pilit ko pa rin natangap yon kasi pinaniwala niya ako na di man sila legally separated pero di na daw sila nagsasama. And she told me na inaasikaso nya na ang divorce paper nila nong guy. Days, months, and years everytim i ask her about that divorce she told me that her partner ay ayaw pumayag sa divorce and wants her back once again pero ang sabi nya tinangihan nya ito.

Hangang magkaroon kami ng anak…

Sabi nya sakin alam daw nong ex husband nya ang tungkol samin at kung sino ang ama ng anak namin. Na pinaniwalaan ko naman kasi yong panganay nya alam ang 2ngkol samin ng mama nya and he even called me tito every time we talk in skype.

Sabi ko sa kanya if it is not possible talaga na ipangalan sakin ang anak ko, ok lang sakin na yong surname nya sa pagkadalaga ang ipagamit sa anak ko. And nag agree naman siya.

But lahat pala ng pinaniwalaan ko ay puro kasinungalingan. I found out na di pa pala sila hiwalay ng husband nya and nagsasama pa sila sa iisang bubong. At ang pinakamasakit doon… Ang anak ko ipinangalan nya doon sa guy at siya ang kinikilalang ama.

Gusto kong magwala, gusto kong pumatay at mamatay at that time. But thanks to God at di nya hinayaang mangyari yon.

Marahil Minahal nga namin ang isat isa noon… Pero ang mali ay mali. We had the right love at the wrong time nga siguro. Pero mas mali kung ipagpapatuloy pa namin ang maling pagmamahalan na napuno na ng kasinungalingan at galit.

Sa ngayon naka move on na ako, napatawad ko na siya at nagmamahal na ulit sa isang simpleng babae na alam kong mahal na mahal din ako. And I wish and I pray na masaya na rin sya ngayon. Sana pag dating ng araw makilala ko pa rin ang anak ko.

hangang sa muli mga frenzhips…😉

“Masarap magmahal pero Mahirap magpaka TANGA” -papa jack of love radio

“Di porket naikama mo mahal ka na, malay mo namimiss nya lang ang ASAWA nya” -papa DAN


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: