Posted by: azanes | August 11, 2008

Tips para maiwasan ang pagsakit ng ulo


Bago ang lahat alamin muna natin ang ibat ibang klase ng sakit sa ulo…. Marahil ang pagsakit ng ulo ay karaniwan lamang sa ating mga filipino bata man o may edad. Maraming dahilan o sanhi ang pag sakit ng ulo. Pwedeng sa trabaho… sa pagtaas ng bilihin dahil sa pagtaas na rin ng gasolina… hehehe… at iba pa….

Akala ng nakakarami sa atin ang headache or sakit ng ulo ay pare pareho lang. Pero kung tayo ay gagawa ng research meron palang ibat ibang uri ng sakit ng ulo… Merong Primary at Secondary headaches… Ang primary headaches ay sakit ng ulo na hindi dulot ng ibang sakit tulad ng pag alburuto o pag sakit ng mata o pagkakaroon ng mataas na blood pressure. Ang secondary naman ay yon ngang mga sakit na dulot ng ibang sakit o karamdaman tulad ng aksidente, sakit sa mata, mataas na presyon at iba pa.

Tension Headache
ito ay nagsisimula bilang isang mahigpit na pananakit sa likod ng ulo at leeg. Ang sakit ng tension headache ay matindi sa bandang noo. Ito ay tumatagal ng kalahating oras hangang  isang linggo. Inde gaanong matindi ang sakit nito kaya hindi ito gaano  nakakasagabal sa trabaho. Wala itong kasamang pagsusuka o pagdilim ng paningin o pagkahilo.

Migrane Headache
Ito naman ay sanhi ng pamamaga ng ugat sa ulo. Ito ay inde makikita pero ito  ang sanhi ng sakit na dulot ng migraine. Ito ay sakit na mararamdaman natin sa bandang ulo. Ang sakit na ito ay pwedeng parang mabilis na tibok at pwedeng magpapalala ng liwanag at malalakas na ingay. Ito ay may kasamang pagsusuka at paninilim ng paningin. Bago maramdaman ang sakit ng migraine, mararanasan ang pagkaantok, pagiging iretable, pananamlay at pagiging matakaw sa matatamis o maaasim na pagkain.

Cluster Headaches
Ito naman ay hindi karaniwan dahil ito ay matinding sakit ng ulo na mararanasan sa bandang mata o noo. Tulad ng migraine, ito ay matatagpuan sa isang parte o banda ng ulo lamang. Ang cluster headaches ay may kasamang isa o mahigit sa mga ito:

1) Pamumula ng isang mata
2) Pagluluha ng isang mata
3) Pagpapawis ng isang bahagi ng noo
4) Sipon o pagbabara ng ilong

Matindi ang sakit na dulot ng cluster headaches  subalit ito ay tumatagal ng 15 minutes hangang tatlong oras lamang.

Ngayon paano nga ba natin maiiwasan ang pagsakit ng ulo natin…

a) Gumamit ng maayos na upuanna may suporta sa likod at leeg.
b) Sa pag2log ang higaan ay dapat nakalevel at flat upang inde sumakit ang likod.
c) Ilimit ang pag gamit ng computer. Huwag tuloy tuloy ang pag gamit. Ipaginga ang mga mata sa bawat oras ng pagkocomputer.
d) Magbigay ng panahon para magrelaks bawat araw.
e) Cguraduhin na ang opisina o ang kwarto ay may magandang bentilasyon.
f) Huwag magpalipas ng gutom at ma2log ng maaga.
g) At higit sa lahat uminom ng maraming 2big (mga isang drum isang araw… Jowk!!! hehehe..) at mag ehersisyo.
h) Kayo naman mag isip abuso na kayo masakit na ulo ko… hahaha… ;)

I hope maka2long sa inyo ang simpleng tips na ito lalo na sa mga madalas nakakaramdam din ng pagsakit ng ulo gaya ko… hehehe…

Ngayon naman kung feeling nyo gusto nyong umakyat sa billboard at tumalon don dahil sa matinding problema… ang tip ko po… sumakay ng bus… bumaba sa mandaluyong… then ipagtanong nyo na lang kung saan ang mental hospital…. hahaha…

thanks sa pagbasa….

God Bless ;)

About these ads

Responses

  1. tnx for the tips…mmwa

  2. .. MAMAT’X PU NAN XOBRA XA PAG-Bi2GAi NiU NAN ADViCE ..

    .. NKA.2LONG PU iTO XA AKiN ..

  3. pano pag bata ang sumasakit ang ulo edad 7 to 8 tapos may bahagi na lumubog at parang namamaga?tapos nahihilo,, at may pagkabagal kung kumilos!

  4. its better po na ipacheck nyo na lang po sa doktor :)

  5. hahaha… May na22nan ka na, natawa kapa!! nice 1.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: